Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Kongreso, umakyat na sa 38

By Angellic Jordan August 09, 2020 - 05:11 PM

Inquirer file photo

Nagpositibo ang isa pang empleyado ng Office of House Speaker Alan Peter Cayetano sa COVID-19.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni House Secretary General Atty. Jose Luis Montales na huling pumasok sa trabaho ang empleyado noong July 28.

Umuwi aniya ang empleyado tatlong oras matapos makaranas ng lagnat, pagkawala ng pang-amoy at body malaise.

Sa ngayon, sinabi ni Montales na wala nang lagnat ang empleyado at bumalik na rin ang kaniyang pang-amoy.

Ngunit, mayroon pa rin itong mild cough.

Nakasailalim pa rin aniya ang empleyado sa home quarantine at tuloy pa rin ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha nito.

Sa huling datos, umakyat na sa 38 ang kabuuang bilang ng mga empleyado sa Kamara na nagpositibo sa COVID-19.

TAGS: Alan Peter Cayetano, Atty. Jose Luis Montales, breaking news, COVID-19 cases in the Congress, COVID-19 deaths in the Congress, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in the Congress, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, Alan Peter Cayetano, Atty. Jose Luis Montales, breaking news, COVID-19 cases in the Congress, COVID-19 deaths in the Congress, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in the Congress, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.