BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, halos 130,000 na
Nasa mahigit 3,000 ang nadagdag sa bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Linggo ng hapon (August 9), umabot na sa 129,913 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 59,970 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,109 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nakuha ang mga datos mula sa 82 out of 99 licensed laboratories.
Nasa 61 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,270 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 654 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 67,673 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.