Sa abiso bandang 2:00 ng hapon, ito ay dulot ng umiiral na Southwest Monsoon.
Nakataas ang yellow rainfall warning sa Bataan at Zambales partikular sa SanFelipe, San Narciso, San Marcelino, San Antonio, Castillejos, Subic at Olongapo.
Ibig-sabihin, maaaring makaranas ng pagbaha sa ilang mabababang lugar sa nasabing mga probinsya.
Mararamdaman naman ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, at nalalabing parte ng Zambales.
Kaya naman payo ng PAGASA, tutukan ang pinakahuling update sa lagay ng panahon.
MOST READ
LATEST STORIES