Batay sa Facebook post ni Vice President Leni Robredo, sa loob ng 30 araw, umabot sa 11,768 ang kabuuang bilang ng mga pasaherong naserbisyuhan ng naturang programa.
May apat na ruta ang free shuttle services ng OVP kung saan sakop ang Cebu City, Mandaue City, Talisay City, Consolacion, Talamban, at Naga City.
Nagpasalamat ang bise presidente sa mga nakatuwang na pribadong grupo at indibidwal para makapaghatid ng tulong sa mga medical worker at iba pang frontliner sa gitna ng pandemya.
Aabot sa 200 ang volunteers na na-assign sa day-to-day operations ng shuttle service sa nasabing lugar hanggang August 8.
“It has been our honor to serve our Cebu frontliners, and we will continue to show our support through our #BayanihanSugbuanon efforts. Daghang salamat sa inyong tanan!,” pahayag pa ni Robredo.