Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 19.8 milyon na

Sumampa na sa 19.8 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 19,804,408 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 5,149,723 cases.

Sumunod na rito ang Brazil na may 3,013,369 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 2,152,020 naman ang kaso sa India habang 882,347 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– South Africa – 553,188
– Mexico – 475,902
– Peru – 471,012
– Colombia – 376,870
– Chile – 371,023
– Spain – 361,442
– Iran – 324,692
– United Kingdom – 309,763
– Saudi Arabia – 287,262
– Pakistan – 283,487
– Bangladesh – 255,113
– Italy – 250,103
– Argentina – 241,811
– Turkey – 239,622
– Germany – 216,896
– France – 197,921
– Iraq – 147,389
– Philippines – 126,885
– Indonesia – 123,503
– Canada – 119,221
– Qatar – 112,650

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 729,586 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 12,721,186 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...