Lunes ng gabi, inanunsyo na ni Laguna Governor Ramil Hernandez ang suspensyon ng klase sa buong lalawigan para sa lahat ng antas dahil sa inaasahang pagpasok sa bansa ng bagyong Falcon na mas malakas kaysa kay Egay.
Kahapon, Lunes, bagaman nagsuspinde na ng klase ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, walang ipinatupad na suspensyon sa Laguna.
Samantala, sa Valenzuela City, balik na sa normal ang mga klase maliban lamang sa Mapulang Lupa National High School na wala pa ring pasok ngayon dahil sa tubig baha sa loob ng paaralan.
Ang Baguio City naman ay nag-suspinde rin ng klase ngayong araw para sa mga preschool habang balik na sa normal ang klase sa elementarya hanggang college. Sa La Trinidad, Benguet, suspendido rin ang klase sa preschool.
Samantala, dahil may mga lugar pa rin nakasailalim sa signal number 1 dahil sa bagyong Egay gaya ng Ilocos Norte, Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands, ang Northwest na bahagi ng Cagayan, at Apayao ay iiral ang atuomatic suspension para sa mga estdyante sa preschool level. / Dona Dominguez-Cargullo