NGCP, nag-donate ng RT-PCR machines sa ilang pampublikong ospital
Nag-donate ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng anim set na real time-polymerase chain reaction (RT-PCR) machines sa ilang pampublikong ospital sa National Capital Region (NCR).
Ito ay bahagi ng P1 bilyong donasyon ng NGCP bilang COVID-19 response at relief efforts.
Nakatanggap ng tig-dalawang set ng RT-PCR machines ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Lung Center of the Philippines (LCP) noong July 1.
Natanggap naman ang tig-isang set ng RT-PCR machine ng V. Luna General Hospital (VLGH) at Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory noong August 5.
Ang bawat set ay mayroong ABI 7500 FAST RT-PCR machine, desktop computer, at UPS.
Bawat makina ay nagkakahalaga ng P 2.4 milyon.
“NGCP recognizes that the availability of vital medical equipment plays a huge factor in the government’s COVID-19 response efforts particularly in large government hospitals. We hope that our donation of 6 sets of RT-PCR machines to RITM, LCP, VLGH, and PNP Crime Lab will expedite the confirmatory process for COVID-19 testing. NGCP’s stakeholders and the public can be assured that the company will continue to fulfill its commitment of supporting the country’s efforts to combat this pandemic,” pahayag ng NGCP.
Bahagi rin ng P1 bilyong donasyon ng NGCP ang grocery items sa mahigit 1,000 LGUs at medical equipment tulad ng mechanical ventilators, ultrasound machine, portable x-ray machine, at PPEs sa humigit-kumulang 300 ospital at city/municipal/rural health units sa bansa.
Mayroon ding nai-turnover na limang bagong ambulansya sa UP-PGH, Philippine Orthopedic Center, Quirino Memorial Medical Center, Philippine Heart Center, at Binan Doctors Hospital.
Nag-donate rin ang NGCP 10,000 rapid test kits at 50 testing booths Quezon City government, at 500 pang test kits sa Navotas City.
Inaayos na rin ng NCGP ang iba pang proyekto tulad ng limang isolation rooms sa ilang government hospitals.
Nagbigay din ito ng P5 milyon sa Project Ugnayan kung saan namahagi ng supermarket vouchers sa ilang pamilya sa Metro Manila.
Nagkaroon din ng Meals on Wheels feeding program sa ilang komunidad at nag-donate ng PPEs sa LGUs at medical frontliners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.