PECO pinayuhan ng MORE na respetuhin ang itinatakda ng batas

Bagaman may mga legal remedies, pinayuhan ng Distribution Utility na More Electric and Power Corp. (More Power) ang Panay Electric Company (PECO) na respetuhin at sundin ang itinakda ng batas sa harap na rin ng patuloy na legal battle sa pagitan ng dalawang power firm at nakatakdang pagpapalabas ng desisyon ng Supreme Court (SC) sa legalidad ng inihaing expropriation case.

Kasabay nito ang pagkastigo ni More Power President and CEO Roel Castro sa ipinalalabas ng kampo ng PECO na may bias ang mga RTC Judges at SC sa More Power kaya naman pumapabor ang desisyon nito sa kanila, giit ni Castro, ang mga desisyon ng korte ay nakaayon sa facts habang objective at independent ang mga hukom at mahistrado sa pagresolba sa mga kasong hawak nito.

Una nang sinabi ni PECO Legal Counsel Atty Estrela Elamparo na ang kanilang “main fight” ay talagang sa SC at naniniwala silang idedeklarang unconstitutional ng kataas taasang hukuman ang ginawang pagtakeover ng More Power sa assets ng PECO habang si Abang Lingkod Partylisr Rep Joseph Stephen Paduano ay umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na pumagitna na sa usapin ng dalawang kumpanya dahil na rin sa palagay nitong bias ang korte sa bagong distribution utility.

Ipinaliwanag ni SC Spokesman Brian Hosaka na walang basehan ang akusasyon ng pagiging bias ng kataas taasang hukuman, aniya, ang SC ay binubuo ng 15 mahistrado at ang desisyon nito ay nakabase sa majority vote at laging nakaangkla sa facts, applicable laws at current jurisprudence.

Disyembre 11,2018 nang bigyan ng 25 taong legislative franchise ng Kongreso ang More Power na maging solong distribution utility sa Iloilo City kapalit ng PECO, Pebrero 14,2019 nang isabatas ito ni Pangulong Duterte nang lagdaan ang Republic Act 11212.

Sa desisyon ni Ilolilo Regional Trial Court Branch 23 Emerald Requina-Contreras sinabi nito na nang magexpired ang prangkisa ng PECO noong Enero 19,2019 ay wala na itong legal ground para kuwestiyunin ang batas, kasunud nito ay iniutos na ng korte ang writ of posession para ilipat ang distribution system assset ng PECO sa More Power hindi bilang pagbibigay pabor sa bagong franchisee kundi para matiyak na hindi mapuputol ang pagbibigay serbisyo sa mga consumer.

Ang nasabing usapin ang syang nakatakdang desisyunan naman ng SC.

Samantala, umabot na sa 70,000 reklamo mula sa mga consumers ang natanggap ng More Power sa loob ng 5 buwang pagooperate nito, sinabi ni Castro na ang natatanggap nilang dami ng reklamo ay pagpapakita ng tunay na estado ng power system sa Iloilo City nang kanila itong datnan.

Sa dami ng problema noon sa ilalim ng PECO ay isinara nito sa publiko ang kanilang mga hotlines gayundin ang consumer complaints kaya nang magtakeover ang More Power ay ginawang 24/7 ang hotline,aktibo sa social media at mayroong face to face complaints desk.

“nagkaroon ng delayed action sa mga reklamo, PECO were never open kaya natambak yung mga problema ng mga consumer, but under our watch we are transparent and we are now addressing all the complaints”pahayag ni Castro.

Kung ikukumpara umano ang pagtugon ng More Power sa problema sa power service sa lalawigan ay hindi itomaihahambing sa PECO dahil ang huli umano ay nagsara ng kanilang pintuan sa mismong kanilang mga power consumer.

 

 

 

Read more...