BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 126,000 na
Nadagdagan nang mahigit 4,000 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Sabado ng hapon (August 8), umabot na sa 126,885 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 57,559 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,226 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nakuha ang mga datos mula sa 82 out of 99 licensed laboratories.
Nasa 41 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,209 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 287 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 67,117 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.