Santiago, hiniling ang boto ng mga magulang

By Jay Dones February 29, 2016 - 04:46 AM

 

Inquirer file photo

Nanawagan si Senador Miriam Defensor-Santiago sa mga estudyante sa kolehiyo na tulungan itong manalo sa pamamagitan ng paghimok sa kanilang mga magulang na siya ang iboto.

Si Santiago ang nangunguna sa mga pinipiling kandidato sa pagka-pangulo ng mga estudyante sa kolehiyo sa mga huling campus polls.

Sa pinakahuling pag-iikot ng senadora, nagtungo ito sa University of Cebu sa Cebu City na isa sa mga pinakamaraming college students sa Visayas region.

Umaasa sina Santiago at ang katandem nitong si Sen. Bongbong Marcos na makukuha ang ‘millennial vote’ o ang suporta ng mga botante na nasa pagitan ng edad 18-35 upang manalo.

Ang ‘millennial vote’ ay bumubuo ng 37 porsiyento o katumbas ng 20 milyon sa 57 milyong bilang ng mga botante sa buong bansa.

Kamakailan, hinimok naman ni Sen. Marcos ang mga kabataang botante na maging mas pihikan sa kanilang pipiliing kandidato sa nalalapit na eleksyon.

Giit nito, dapat pumili ng iboboto na mag-bubuklod sa taumbayan sa halip na paghiwalayin ito.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.