Mga sugatang Filipino sa pagsabog sa Lebanon, 42 na; Isa pa nawawala – DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs, sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Beirut, na nadagdagan pa ang bilang ng mga nasugatang Filipino dahil sa pagsabog sa Lebanon.

Sa isinagawang ground operations, nakatanggap ang mga tauhan ng embahada ng mga karagdagang ulat ukol sa lagay ng ilang Filipino sa nasabing bansa.

Ayon kay Undersecretary Sarah Lou Arriola, 11 pa ang bagong napaulat na sugatang Filipino.

Dahil dito, umabot na sa 42 ang kabuuang bilang ng mga nasugatang Pinoy bunsod ng malakas na pagsabog.

Maliban dito, sinabi pa ni Arriola na may isa pang Filipino na napaulat na nawawala.

Bunsod nito, dalawa na ang bilang ng nawawalang Filipino sa nasabing bansa.

Aniya pa, nananatili sa apat ang nasawing Filipino.

“The Department also announced that it has chartered a repatriation flight to bring home Filipinos from Lebanon. The flight scheduled on 16 August 2020 also seeks to bring home the mortal remains of Filipino victims of the recent explosions in Beirut Port,” ayon pa sa DFA.

Read more...