51 porsyento ng Filipino adults, sang-ayon na mapanganib ang mag-print o mag-broadcast ng anumang kontra vs gobyerno – SWS
Sang-ayon ang 51 porsyento ng Filipino adults na mapanganib ang mag-print o mag-broadcast ng anumang kontra sa administrasyong Duterte kahit ito ay totoo, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa SWS July 3-6, 2020 National Mobile Phone Survey, lumabas na 16 porsyento ang “strongly agree” at 35 porsyento ang “somewhat agree.”
Nasa 30 porsyento ang hindi sang-ayon kung saan 18 porsyento ang “somewhat disagree” at 17 “strongly disagree.”
Nasa 18 porsyento naman ang “undecided.”
Samantala, lumabas din sa survey na 56 porsyento ng Filipino adults ang nagsabing “major blow” umano sa press freedom ang hindi pag-renew ng ABS-CBN.
Isinagawa ang survey sa 1,555 Filipino adults na may edad 18 taong gulang pataas sa buong bansa sa pamamagitan ng mobile phone at computer-assisted telephone interviewing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.