NCR at ilang lalawigan sa Luzon, patuloy na uulanin

Makararanas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod pa rin ng umiiral na Southwest Monsoon.

Sinabi ng weather bureau na asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Pampanga.

Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Metro Manila, Bataan, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal, at Laguna.

Maaapektuhan din ang Quezon partikular ang San Antonio, Candelaria, Tiaong, Sariaya, Dolores, Tayabas, Lucban at Pagbilao.

Uulanin din ang bahagi ng Santa Cruz at San Antonio sa Zambales.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...