Drug den sa Bohol sinalakay ng PDEA, PNP; 6 timbog
Sinakalay ng mga otoridad ang isang drug den sa Dauis, Bohol Biyernes ng gabi.
Batay sa impormasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang buy-bust operation sa bahagi ng Barangay Totolan bandang 7:00 ng gabi.
Naaresto sa operasyon ang target na drug den maintainer na si Mark James Pocoy alyas “Jimboy” o “Pocoy,” 27-anyos.
Nahuli rin sina Princess Andal, 31-anyos na live-in partner ni Pocoy; Roel Ayala, 48-anyos; Wilbert Naparan, 42-anyos; Archie Lomonsod, 39-anyos; at Elmer Cuambot, 47-anyos.
Nakumpiska sa operasyon ang tatlong pack ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P44,200, isang digital weighing scale, ilang drug paraphernalia at ginamit na buy-bust money.
Kasong paglabag sa Article 2 ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.