Higit 19,000 pang OFW, nagnegatibo sa COVID-19

Mahigit 19,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang lumabas na negatibo sa COVID-19, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Base sa datos, 19,190 pa ang negatibo batay sa isinagawang RT-PCR test ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs hanggang August 8.

Ayon sa PCG, kabilang sa datos ang mga returning overseas Filipinos, OFW at non-OFW.

Para makita ang buong listahan, maaaring bisitahin ang link na ito:
https://bit.ly/2DK6dh4

Maliban pa ito sa naitalang 54,073 ROFs na negatibo sa nakakahawang sakit mula July 8 hanggang 30.

Narito naman ang link ng master list:
https://bit.ly/309ZvJV

Inabisuhan naman ang mga returning overseas Filipino na kabilang sa listahan na makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa quarantine facility para sa pagproseso ng pag-uwi sa kani-kanilang probinsya.

Ibibigay naman ang quarantine clearances sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Read more...