“Balikan, sagutin, ano ba ang layunin?” – Off Cam ni Arlyn Dela Cruz

By Arlyn Dela Cruz August 08, 2020 - 01:20 PM

Ang ayuda o Social Amelioration Program ng pamahalaan, SAP wave 1 o 2, ay iisa ang layunin.

At ‘yan ay ang makatulong na maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan lalo na ‘yung under the classification of the DSWD ay poorest of the poor. Kaya nga ayuda ang tawag. Tulong ang layunin.

‘Yung kahit papaano ay mas mapabuti ang kalagayan sa gitna ng pandemya.

Kahapon, nadaanan ko ito. Bago ito ay may isa pa akong pila na nakita. Parehong madaling-araw pa lang ay mahaba na ang pila. Alas dos na ng hapon nang madaanan ko ito. Pila sa Villarica at ‘yung ayuda nga ang kanilang ipinila.

Ang pilang ito ay hindi sa Metro Manila kaya hindi MECQ.

Nalaman ko na marami ang natatagalan sa verification process. Pahirapan daw. ‘Yung iba, babalik pa at hindi daw ganun kadali ang verification process.

Bakit hindi padaliin ang proseso kung ganun?

Dapat nga ay manatili sa mga tahanan hindi ba? Pero lalabas at lalabas ka para kunin ang ayuda kung ikaw ay nasa listahan. But wait, there’s more. I-verify pa ha! At matagal ‘yun.

Mayroon namang nagsumbong sa akin na may SK official daw na mamimigay ng bags sa mga bata pero kailangan dalhin yung bata para patunay daw. Gusto tiyak ng photo-opportunity. OK ka lang? Bawal nga ang lumabas ang mga bata papupuntahin mo pa sa barangay?

Kapag ikaw ay nasa gobyerno at ikaw ay may proyekto o naatasang magpatupad ng proyekto o programa, hindi ba ang laging layunin ay tumulong?

Kaya nga lingkod-bayan ang tawag. Not unless, nalimutan na talaga ang layuning ito.

TAGS: column, COVID-19 response, DSWD SAP, Inquirer column, Radyo Inquirer column, social amelioration program, column, COVID-19 response, DSWD SAP, Inquirer column, Radyo Inquirer column, social amelioration program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.