COVID wards at COVID ICU units ng St. Luke’s Medical Center Global City at QC, umabot na sa full capacity

Inanunsiyo ng pamunuan ng St. Luke’s Medical Center Global City at Quezon City na umabot na sa full capacity ang kanilang COVID wards at COVID ICU units.

Ito ay batay sa abiso ng ospital hanggang August 7.

Maliban dito, sinabi pa ng ospital na malapit na ring umabot sa full capacity ang kanilang Emergency Rooms para sa mga pasyenteng apektado ng COVID-19.

Kasunod nito, humiling ang St. Luke’s Medical Center sa mga nangangailangan ng agarang COVID-related treatment na magpatingin sa ibang ospital.

“We would like to request those who require immediate care to seek COVID-related treatment from other healthcare facilities until our hospitals are able to accommodate COVID cases again,” pahayag ng ospital.

Tiniyak naman ng ospital na magbibigay sila ng abiso sa publiko.

Read more...