NCR at ilang lalawigan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

By Angellic Jordan August 08, 2020 - 11:30 AM

Makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 11:00 ng umaga, ito ay bunsod ng umiiral na Southwest Monsoon.

Sinabi ng weather bureau na asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Pampanga, Zambales, Bulacan at Rizal.

Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral aa Quezon partikular sa Dolores, Tiaong, Sariaya, San Antonio at Candelaria.

Uulanin din ang Bataan, Cavite, Laguna at Batangas.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

TAGS: breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Southwest Monsson, weather update August 8, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Southwest Monsson, weather update August 8

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.