Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 724,000 na
Pumalo na sa mahigit 724,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 724,075 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 164,094.
Sumunod na rito ang Brazil na may 99,702 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 51,311 naman ang death toll sa Mexico habang 46,511 ang napaulat na nasawi sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– India – 42,578
– Italy – 35,190
– France – 30,324
– Spain – 28,503
– Peru – 20,649
– Iran – 18,132
– Russia – 14,725
– Colombia – 12,250
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 19,543,562 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 12,545,567 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.