Presyo ng face shield pinababantayan ni Rep. Baronda sa DTI
Pinatitiyak ni Iloilo City Rep. Julienne Baronda sa Department of Trade and Industry (DTI) na hindi masasamantala ng mga negosyante ang presyo ng face shield.
Ayon kay Baronda, dapat bantayan ng DTI ang presyo ng face shield at tiyaking hindi mag-o-overprice ang mga negosyante.
Sabi ng mambabatas na matapos ang anunsyo ng pamahalaan ang mandatory na pagsusuot ng faceshield sa public transport ay bigla na lamang sumirit ang halaga nito.
Kaugnay nito nanawagan ang mambabatas sa publiko na makipagka isa sa gobyerno at sundin ang pagsusuot ng face shield kapag sasakay sa mga pampublikong sasakyan dahil mas mahal ang magkasakit ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.