Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 1,483

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Huwebes, August 6) , nadagdagan ng 74 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 1,483.

Sa nasabing bilang 1,070 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nadagdagan ng 7 kaya umabot na ito sa 166.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 2,719.

 

 

Read more...