Pagbubukas ng dagdag na ruta ng PUV sa NCR tiniyak ng LTFRB

By Erwin Aguilon August 07, 2020 - 08:28 PM

Siniguro ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delga na magdadagdag sila ng mga ruta ng Public Utility Vehicles sa pagbabalik ng General Community Quarantine sa Metro Manila.

Sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development sinabi ni Delgra na magbubukas sila ng isang batch ng ruta kada linggo at ito ang kanilang isusumite sa komite sa susunod na Linggo.

Bukod dito, nakatanggap na rin sila ng utos mula sa IATF para dagdagan ang bilang ng mga pampublikong transportasyon na bumabyahe kapag bumalik na sa GCQ.

Ayon kay Manila Rep. Manuel Lopez, pinuno ng komite, umaasa siyang mas magiging maayos at mabilis na ang byahe ng mga commuters ng ilang oras din na naghihintay para lamang makarating sa kanilang mga trabaho.

Inirekomenda naman ng komite sa IATF na itaas sa 30% ang capacity ng lahat ng pampublikong transportasyon at dagdagan ang capacity ng 10% kada linggo hanggang sa bumalik na sa normal.

 

 

 

TAGS: House committee on Metro Manila development, IATF, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, ltfrb, House committee on Metro Manila development, IATF, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, ltfrb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.