Ayon sa DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs, iuuwi din ang mga labi ng apat na Pinoy na nasawi sa pagsabog sa Beirut.
“The President heard the clamor of our kababayans. This chartered flight is the most concrete, immediate and timely assistance that the Department of Foreign Affairs could provide given the current situation in Lebanon,” ayon kay DFA Undersecretary Sarah Lou Y. Arriola.
Sinabi ni Arriola na bago pa ang pandemic ng COVId-19 ay inumpisahan na ang proseso ng pagpapauwi sa mga OFW sa Lebanon.
Noong December 2019 ay mayroong 1,508 na Pinoy na napauwi na sa bansa.
Sa mga Pinoy sa Lebanon na mayroong katanungan tungkol sa chartered flight, maaring ma-contact ang Philippine Embassy sa sumusunod na numero:
Telephones:
+961 3859430
+961 81334836
+961 71474416
+961 70681060
+961 70858086
Maar ding magpadala ng mensahe sa beirutpe@gmail.com