BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa bansa 122,754 na

Nakapagtala ng 3,379 na dagdag sa kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa inilabas na COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH), dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 122,754 ang total number ng confirmed COVID-19 cases sa bansa.

Sa 3,379 reported cases, 2,774 o 82% ang mga kasong naitala sa nakalipas na 14 na araw (July 25-August 7, 2020).

May naitala namang 96 na dagdag na mga gumaling sa sakit.

Ayon sa DOH, umabot na sa 66,852 ang total number of recoveries.

Mayroon namang 24 na nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

Sa datos, 2,168 na ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa sakitl.

 

 

Read more...