Public address ni Pangulong Duterte sa Lunes, sa Davao City isasagawa
May nakatakdang public address si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City sa Lunes, August 10.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakatakda ring makipagpulong ang pangulo na sa ilang miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Diseases.
“Ang susunod po na broadcast natin ay sa siyudad ng Davao. Magkakaroon po ng pagpupulong ang Presidente kasama po ang mga piling mga myembro ng IATF sa araw ng Lunes,” sinabi ni Roque.
Sa huling public address ng pangulo, inanunsyo nito ang pagpapairal ng MECQ sa Metro Manila at ilang lalawigan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ito ay makaraang manawagan ang grupo ng mga medical frontliner na ibalik ang pag-iral ng ECQ sa Metro Manila kahit dalawang linggo lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.