Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig City 2,485 na

Nadagdagan pa ng 57 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Taguig City.

Sa inilabas na update hanggang ngayong araw ng Biyernes (August 7), kabuuang 2,485 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Naitala ang mga bagong kaso ay mula sa Brgys. Bagumbayan (6), Ligid-Tipas (2), Lower Bicutan (2), New Lower Bicutan (2), Palingon-Tipas (2), Tuktukan (2), Ususan (1), Central Signal (2), Fort Bonifacio (7), North Daang Hari (15), Pinagsama (1), South Signal (2), Tanyag (10), Upper Bicutan (2), at Western Bicutan (1).

Ang Barangay Fort Bonifacio ang mayroong pinakamaraming kaso na umabot na sa 563.

Narito ang datos sa iba pang barangay sa Taguig:

– Bagumbayan – 176
– Bambang – 37
– Calzada – 52
– Hagonoy – 32
– Ibayo-Tipas – 41
– Ligid-Tipas – 31
– Lower Bicutan – 272
– New Lower Bicutan – 77
– Napindan – 18
– Palingon – 21
– San Miguel – 21
– Sta. Ana – 52
– Tuktukan – 41
– Ususan – 104
– Wawa – 31
– Central Bicutan – 64
– Central Signal – 57
– Katuparan – 34
– Maharlika Village – 23
– North Daang Hari – 122
– North Signal – 35
– Pinagsama – 132
– South Daang Hari – 95
– South Signal – 95
– Tanyag – 97
– Upper Bicutan – 84
– Western Bicutan – 133

Nasa 1,999 na mga pasyente na ang gumaling na sa lungsod habang 38 na ang pumanaw.

Ang Taguig ay mayroon na lamang 448 na aktibong kaso

Ang Taguig City ay nakapagsagawa na rin ng kabuuang 28,321 PCR tests sa pamamagitan ng SMART testing program sa tulong ng drive-thru testing, testing sa mga health center ng barangay, testing sa Taguig-Pateros District Hospital (TPDH), at testing ng CEDSU.

 

 

Read more...