Willie Revillame nagbigay ng P5M para maitulong sa mga jeepney driver
Nagbigay ng P5 milyon tulong ang TV host na si Willie Revillame sa gobyerno para maipamahagi sa mga driver ng jeep na nanlilimos na bunsod ng kawalan ng hanap buhay.
Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque nagsalit si Revillame para ibigay ang kaniyang tulong.
Sa studio ng programang Tutok to Win ni Revillame ginawa ni Roque ang kaniyang press briefing.
Ayon kay Roque, itu-turn over niya ang tseke sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa Department of Transportation para sila ang mamahagi ng ayuda.
Sila kasi ang may sistema sa pamimigay ng ayuda sa mga jeepney driver,
Nangako si Revillame na muli siyang magbibigay ng P5 milyon sa susunod na buwan.
At kung kakayanin niya ay gagawin niya itong buwanan.
Nagbigay din si Revillame ng P100,000 na tulong sa bawat naulilang pamilya ng apat na Overseas Filipinow Workers (OFWs) na pumanaw sa pagsabog sa Beirut, Lebanon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.