Panukala upang magbigay ng full scholarship sa mga medical students pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

By Erwin Aguilon August 07, 2020 - 01:48 PM

Lusot ba sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala para mabigyan ng full scholarships ang mga medical students na tutugon sa kakulangan ng mga doktor sa bansa.

Sa pamamagitan ng ‘viva voce voting’ lumusot ang House Bill 6756.

Sa ilalim nito, bibigyan ng medical scholarship ang mga deserving students ng mga state universities and colleges (SUCs) o private higher education institutions na may return service program.

Sa ilalim ng nasabing programa, Isang scholar sa bawat munisipalidad ang tatanggapin para sa nasabing programa.

Kabilang sa assistance na ibibigay sa mga medical students ay libreng matrikula at iba pang bayarin, gayundin ang mga allowances para sa libro, supplies, equipment, clothing, dormitory, at transportation.

Sasagutin din ang kanilang internship fees, medical board review fees, at annual medical insurance.

Sa ilalim nito, Ang isang medical course graduate ay kailangan munang maglaan ng apat hanggang anim na taon na mandatory return service para sa mga nagtapos ng apat na taon na programa habang pitong taon naman na serbisyo sa bansa para sa mga kumuha ng limang taon na programa.

Maaaring bawiin sa estudyante ang scholarship at ibang benepisyo kapag tumanggap pa ito ng ibang scholarship at bumagsak sa hinihinging academic requirements.

Pagbabayarin naman ng doble ang mga medical students na tatangging magsilbi muna sa mga government hospital o local health office sa kanilang bayan o munisipalidad at sakaling hindi bayaran ay hindi na papayagang i-renew ang kanilang lisensya.

 

 

 

 

TAGS: full scholarships, Inquirer News, medical students, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, viva voce voting, full scholarships, Inquirer News, medical students, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, viva voce voting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.