Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA, alas 11:45 ng umaga ngayong Biyernes, August 7, dahil sa trough ng Low Pressure Area ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Pampanga at Nueva Ecija.
Mahina hanggang katamtamang pag-ulan din ang nararanasan na sa Majayjay, Luisiana, Cavinti, at Lumban sa Laguna; Mauban, Sampaloc, Lucban at Tayabas sa Quezon; at sa mga lalawigan ng Bataan, Cavite at Bulacan.
Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.
Maari ding magdulot ng landslides sa bulubunduking lugar ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.
MOST READ
LATEST STORIES