Sa ilalim ng ordinansa ng lungsod, iiral ang liquor ban sa kasagsagan ng lahat ng antas ng quarantine measures sa lungsod.
Ibig sabihin, kahit ma-lift na ang modified enhanced community quarantine at maibalik ang pag-iral ng general community quarantine sa Metro Manila ay iiral pa rin ng liquor ban.
Sa ilalim ng liquor ban, walang papayagan magbenta ng nakalalasing na inumin. “No
Papayagan naman ang pag-inom ng alak pero sa loob lamang ng bahay ito pwedeng gawin.
Mahigpit na ipagbabawal ang “social drinking” kung ang mag-iinuman ay hindi nakatira sa iisang bahay.
Ang lalabag ay maaring mapatawan ng parusang P500 multa para sa first offense, P1,000 sa second offense at P2,000 sa third offense.
Ang business establishments o indbidwal na mahuhuling nagbebenta ng nakalalasing na inumin ay papatawan ng P5,000 na multa, maaring maipasara o mabawian ng business permit.
Nagpasa din ng ordinansa ang Muntinlupa City Council para sa pag-iral ng curfew sa lungsod alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.
Ito ay habang umiiral ang MECQ.