Mga asymptomatic at may mild cases ng COVID-19 dapat mabigyan ng SAP

By Erwin Aguilon August 07, 2020 - 12:47 PM


Nais ni House Senior Minority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin na mabigyan ng social amelioration ang mga asymptomatic at mild symptomatic COVID-19 cases.

Ayon kay Garin, hindi makakapagtrabaho ang mga ito dahil naka-quarantine at malaking tulong kung maisasama ang mga asymptomatic at mild cases sa mabibigyan ng financial aid ng pamahalaan.

P5,000 hanggang P8,000 na ayuda ang ipinabibigay ng kongresista sa mga asymptomatic at mild cases ng sakit upang may maitustos sa pamilya habang nasa isolation.

Samantala, suportado ng kongresista ang implementasyon ng MECQ pero iginiit nito na hindi pa rin solusyon ang pagsasailalim sa mga lugar sa mahigpit na community quarantine para mapababa ang kaso ng COVID-19.

Bagamat makakahinga ng bahagya ang health care system at mga medical frontliners ng bansa, kinakailangan pa rin aniyang sabayan ito ng whole nation approach at government efforts para tuluyang bumaba ang kaso ng sakit sa Pilipinas.

TAGS: cash assistance, covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sap, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, cash assistance, covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sap, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.