Global death toll sa COVID-19 mahigit 717,000 na

Sumampa na sa mahigit 717,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 717,680 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 162,804.

Sumampa naman na sa mahigit 98,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa Mexico ay umabot na sa 50,000.

Habang ang India na ang nasa pang-apat dahil nataasan na nito ang death toll ng Italy.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 98,644
Mexico – 50,517
UK – 46,413
India – 41,638
Italy – 35,187
France – 30,312
Spain – 28,499
Peru – 20,424
Iran – 17,976

Sumampa naman na sa mahigit 12.3 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6.1 million pa ang aktibong kaso.

 

 

 

Read more...