DOJ, NBI pinag-iimbestiga na rin sa isyu ng anomalya sa PhilHealth
Pinagsasagawa ni House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera ng parallel investigation ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) may kaugnayan sa sinasabing anomalyang sa Philhealth.
Ayon kay Herrera, nababahala siya sa posiblidad na binura ng ahensya ang mga kinakailangang files o ebidensya na magpapatunay sa mga alegasyon laban sa kanila kaya dapat lamang na kumilos dito ang DOJ at NBI.
Giit ng mambabatas, hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa katiwalian ang PhilHealth.
Sabi ni Herrera, habang ginagawa ng Kongreso ang kanilang oversight function sa katiwalian ng PhilHealth ay nararapat lamang na magsagawa din ng hiwalay na imbestigasyon ang DOJ at NBI partikular ang kanilang Cybercrime Division.
Hindi aniya dapat maging bahagi na lamang ng ala-ala ang mga iregularidad sa PhilHealth kundi dapat ay may makasuhan at maaresto na sa pagkakataong ito.
Noong nakaraang taon, nakaladkad din ang PhilHealth sa P154B fraud dahil sa overpayments.
Mas mataas ito kumpara sa sinisilip ngayon na P15B na sinasabing napunta sa tinawag na ‘mafia’ sa loob ng state health insurer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.