Magnitude 5.6 na lindol, tumama sa karagatan ng Sarangani

 

Mula sa Phivolcs

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ng magnitude 5.6 na lindol sa karagatang sakop ng Sarangani, Davao Occidental LInggo ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol dakong alas 5:06 ng hapon, Linggo.

Namataan ang episentro ng lindol 27 kilometro ang layo sa kanluran ng lalawigan.

Naitala ang Intensity II sa bayan ng Glan, Sarangani at Davao City.

Intensity II rin ang naitala ng mga instrumento ng Phivolcs sa General Santos City.

Wala namang naitalang pinsalang idinulot ang naturang lindol.

Hindi rin naglabas ng tsunami warning ang ahensya kaugnay ng naturang pagyanig.

Read more...