‘Angkas’ magbibigay ng libreng sakay sa medical frontliners
Simula bukas, 1,000 riders ng ride-hailing app na Angkas ang bibiyahe para mabigay ng libreng sakay sa medical frontliners.
Ayon kay Joint Task Force COVID Shield chief Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ipakakalat sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila ang 1,000 Angkas riders.
Kabilang sa seserbisyuhan nila ang mga medical workers mula sa sumusunod na mga ospital:
PGH
San Lazaro Hospital
East Avenue Medical Center
Ospital ng Sampaloc
Jose N. Rodriguez Memorial Hospital
QC General Hospital
NKTI
Ospital ng Maynila
Quirino Memorial Medical Center
Jose Fabella Memorial Hospital
Samantala, nag-donate di ang Angkas ng 1,000 motorcycle barriers sa PNP.
Ito ay upang magamit sa motorsiklo ng mga tauhan ng PNP na nagsasakay din ng frontliners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.