Sec. Mike Pompeo at Sec. Teodoro Locsin nag-usap sa telepono; tinalakay ang usapin sa South China Sea
Kinumpirma ng US State Department na nagkausap sa telepono sina US Secretary of State Michael Pompeo at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
Tinalakay sa nasabing pag-uusap ang pagbabago sa U.S. policy hinggil sa maritime claims sa South China Sea.
Ayon sa pahayag ng US State Department, buo ang suporta ng Amerika sa Southeast Asian coastal states sa paggigiit ng kanilang karapatan at interest na salig sa international law.
Tinalakay din ang posibleng mga oportunindad para sa U.S. – Philippine maritime cooperation.
Napag-usapan din ng dalawang kalihim ang usapin hinggil sa strong economic, security, at people-to-people ties ng dalawang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.