Kaso ng COVID-19 sa buong mundo sumampa na sa 19 million

Sumampa na 19 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 19,237,184 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 270,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos ay sumampa na sa limang milyon matapos makapagtala ng mahigit 58,000 pang dagdag na kaso.

Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 54,000 bagong kaso habang mahigit 62,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.

Ang Pilipinas ay pang-22 na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso matapos maungusan na ang datos ng Canada at Indonesia.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 2,917,562
India – 2,025,409
Russia – 871,894
South Africa – 538,184
Mexico – 456,100
Peru – 447,624
Chile – 366,671
Colombia – 357,710
Spain – 354,530

 

Read more...