Nasawing Pinoy sa pagsabog sa Beirut umakyat na sa apat; 31 pa ang sugatan ayon sa DFA

By Dona Dominguez-Cargullo August 07, 2020 - 09:54 AM

Mayroong dalawa pang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasawi sa pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), batay sa update mula sa Philippine Embassy sa Beirut, umakyat na sa 4 ang bilang ng mga Pinoy na nasawi sa pagsabog.

Umabot naman na sa 31 ang mga Pinoy na naitalang nasugatan.

Sinabi ng DFA na isa pang household service worker ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.

“We are saddened by the latest turn of developments. The higher figure comes as our Embassy personnel work to ascertain the condition of the Filipinos in its jurisdiction,“ ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Y. Arriola.

Sa mga nasugatang Pinoy, dalawa ang kritikal ang kondisyon sa Rizk Hospital.

Tiniyak ng DFA na patuloy na binabantayan ng embahada ang kondisyon ng mga Pinoy sa Beirut.

 

 

TAGS: beirutblast, DFA, Lebanon, OFWs, prayforlebanon, beirutblast, DFA, Lebanon, OFWs, prayforlebanon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.