Ekonomiya ng bansa posibleng makabawi sa 3rd quarter ng taon – Financial Analyst Astro Del Castillo

By Dona Dominguez-Cargullo August 07, 2020 - 08:44 AM

Posibleng makabawi ang ekonomiya ng bansa sa ikatlong quarter ng taon.

Pahayag ito ng Financial Analyst na si Astro del Castillo sa panayam ng Radyo Inquirer.

Ayon kay Del Castillo, sa panig nilang mga ekonomista inasahan na nila ang pagbagsak ng ekonomiya para sa 2nd quarter ng taon dahil sa pinairal na lockdown.

Sa ikatlong quarter inaasahan aniya nila ang pagbawi ng GDP.

Ani Del Castillo kung hindi naman na mapapalawig ang kasalukuyang umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine ay makababawi na ang ekonomiya ng bansa.

Payo ni Del Castillo sa publiko, samantalahin ang pag-iral ng lockdown lalo na sa mga naka-work from home upang pagyamanin ang kanilang kaalaman sa financial management.

Malaking bagay aniya ito lalo ngayong napakamahal ang gastos kapag nagkasakit.

 

 

TAGS: astro del castillo, covid pandemic, COVID-19, department of health, economy, gdp, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PH economy, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, astro del castillo, covid pandemic, COVID-19, department of health, economy, gdp, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PH economy, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.