Lalaki arestado matapos mang-hostage sa labas ng bangko sa France

By Dona Dominguez-Cargullo August 07, 2020 - 07:41 AM

Naaresto na ng mga otoridad ang isang lalaki na nang-hostage sa isang bangko sa France.

Napasuko ng mga rumespondeng pulis ang suspek matapos ang anim na oras na negosasyon.

Pawang ligtas naman ang mga hostage at hindi sila nasugatan.

Ang 34-anyos na lalaki ay mayroong history ng mental illness at armado ito ng baril nang mang-hostage.

Sa simula ay anim na biktima ang hawak nito, pero pinalaya niya ang lima.

Nailigtas din ang isa pang biktima nang mahuli na ang suspek.

 

 

 

 

 

TAGS: France, hostagetaking, hostagetakingincident, France, hostagetaking, hostagetakingincident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.