WHO supplies para sa COVID-19 response sa Lebanon nawasak dahil sa naganap na pagsabog

By Dona Dominguez-Cargullo August 07, 2020 - 06:40 AM

Aabot sa 17 containers na naglalaman ng medical supplies para sa COVID-19 response sa Lebanon ang nawasak dahil sa pagsabog na naganap sa pantalan sa Beirut.

Ayon sa WHO, kabilang sa mga nasirang suplay ay mga PPE sets at iba pang mga gamit.

Sa datos ng WHO, mayroon ding limang ospital sa Beirut ang naapektuhan ng pagsabog.

Tatlo sa mga ospital ang wasak na wasak at non-functional na, habang dalawa pa ang aprtially damaged.

Dahil sa pagkasira ng limang ospital, 500 bed capacity ang nabawas sa Beirut.

Ayon sa WHO, mahigit 5,000 katao na ang naitalang sugatan sa pagsabog at mahigit 130 dito ang nasa ICU.

Nagpadala na ang WHO ng trauma at surgical supplies sa Beirut na kayang makatugon sa pangangailangan ng 2,000 mga pasyente.

 

 

TAGS: beirutblast, covid19response, lebanonexplosion, medicalsupplies, prayforlebanon, WHO, beirutblast, covid19response, lebanonexplosion, medicalsupplies, prayforlebanon, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.