Lotto draw sa GCQ at MGCQ areas balik na ngayong araw; P305M ang jackpot prize sa Ultra Lotto

By Dona Dominguez-Cargullo August 07, 2020 - 05:59 AM

Sisimulan na muli ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagbebenta ng lotto tickets at lotto draw simula ngayong araw ng Biyernes (Aug. 7).

Sa abiso ng ahensya ito ay gagawin sa mga lugar na nasa ilalim na lang ng general community quarantine at modified general community quarantine.

Kabilang sa papayagan nang ibenta ang lotto tickets para sa 6/42, Mega Lotto 6/45, Super Lotto 6/49, Grand Lotto 6/55 at Ultra Lotto 6/58.

Magsisimula ang selling period alas 7:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi.

At ang draw ay alas 9:00 ng gabi.

Ngayong araw ang jackpot para sa Ultra Lotto ay umaabot sa P305 million.

Samantala, hindi pa naman pinapayagan ng PCSO na mag-resume ang operasyon ng Small Town Lottery Games.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, lotto draw, lotto tickets, Modified general community quarantine, pcso, State of Emergency, Ultra Lotto, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, lotto draw, lotto tickets, Modified general community quarantine, pcso, State of Emergency, Ultra Lotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.