outbrain

Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, 7,484 na; 129 ang nadagdag

By Angellic Jordan August 06, 2020 - 10:26 PM

Nasa 129 residente ang panibagong nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 7,484 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Huwebes ng umaga (August 6).

Sa nasabing bilang, 7,409 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.

7,383 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 2,359 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

4,713 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 311 ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 6,227 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Quezon City, COVID-19 deaths in Quezon City, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Quezon City, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Quezon City, COVID-19 deaths in Quezon City, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Quezon City, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.