outbrain

Currimao, Ilocos Norte niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

By Angellic Jordan August 06, 2020 - 10:13 PM

Tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa Ilocos Norte.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 18 kilometers Northwest ng Currimao bandang 9:09 ng gabi.

14 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.

Dahil sa lindol, narandaman ang instrumental intensity 1 sa Vigan City.

Wala namang naitalang pinsala sa Currimao at iba pang karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

TAGS: Currimao, ilocos norte, Inquirer News, magnitude 3.7 quake, phivolcs, Radyo Inquirer news, Currimao, ilocos norte, Inquirer News, magnitude 3.7 quake, phivolcs, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.