outbrain

Bilang ng lisensyadong laboratoryo para makapag-test ng COVID-19 cases sa bansa, 100 na

By Angellic Jordan August 06, 2020 - 09:55 PM

Umabot na sa 100 ang bilang ng mga lisensyadong laboratoryo na makakapagsagawa ng pagsusuri sa COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay batay sa datos hanggang araw ng Huwebes, August 6.

Sa nasabing bilang, 76 ang licensed RT-PCR laboratories habang 24 ang GeneXpert laboratories.

Kasabay nito, nagparating ng pagbibigay-pugay ang kagarawan sa mga COVID-19 laboratory na walang sawang nagsasakripisyo para labanan ang nakakahawang sakit.

Para malaman ang mga lisensyadong COVID-19 laboratory, maaaring bisitahin ang COVID-19 Laboratory Tracker sa link na ito:
https://bit.ly/30lwLOL

TAGS: COVID-19 laboratories, COVID-19 response, COVID-19 testing, doh, DOH COVID-19 monitoring, GeneXpert laboratories, Inquirer News, licensed RT-PCR laboratories, Radyo Inquirer news, RT-PCR laboratories, COVID-19 laboratories, COVID-19 response, COVID-19 testing, doh, DOH COVID-19 monitoring, GeneXpert laboratories, Inquirer News, licensed RT-PCR laboratories, Radyo Inquirer news, RT-PCR laboratories

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.