P340,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Cebu City

By Angellic Jordan August 06, 2020 - 09:30 PM

Naaresto ang ex-convict makaraang nahulihan ng P340,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Cebu City, Huwebes ng umaga (August 6).

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang buy-bust operation sa bahagi ng N. Bacalso Avenue, Barangay Labangon bandang 11:45 ng umaga.

Nakilala ang naarestong suspek na si Rolando Abanes Bautista, 47-anyos.

Nakuha kay Bautista ang dalawang pack ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 50 gramo.

Nakumpiska rin sa suspek ang isang cell phone, plastic at paper packaging at ginamit na buy-bust money.

Kasong paglabag sa Section 5, Article 2 ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa suspek.

TAGS: buy-bust operation in Cebu City, confiscated shabu, Inquirer News, PDEA RO7, Radyo Inquirer news, Rolando Abanes Bautista, buy-bust operation in Cebu City, confiscated shabu, Inquirer News, PDEA RO7, Radyo Inquirer news, Rolando Abanes Bautista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.