Limang miyembro ng pamilya minasaker; Mga bangkay, sinunog

By Jan Escosio August 06, 2020 - 09:53 PM

Matapos pagbabarilin, sinunog pa ang limang miyembro ng isang pamilya ng mga armadong lalaki sa Siocon, Zamboanga del Norte, madaling araw ng Miyerkules.

Kinilala ang mga biktima na sina Carlito Advincula Aban, 60-anyos; asawa nitong si Rosalia, 45-anyos; at anak nilang sina Aldrin, 20-anyos; Shannyn Cris, 17-anyos; at Stephen Advincula Aban, 13-anyos, mga residente ng Barangay Candiz.

Ayon kay Police Capt. Edwin Duco, tagapagsalita ng Zamboanga Peninsula Regional Office, natutulog ang mga biktima nang pasukin sila ng mga salarin bandang 12:40 ng madaling-araw at kinaladkad sila palabas ng bahay.

Nagawa pa ng isang sa mga biktima na tawagan ang kanilang kapatid sa cellphone at kinilala nito ang isa sa mga suspek.

Sinunog ang kanilang bahay bago pinatay ang mga biktima at ang kanilang mga katawan ay ipinasok pa sa nasusunog nilang bahay.

Hinihinala na personal na away ang motibo sa karumal-dumal na krimen.

Pinaghahanap na ng awtoridad ang kinilalang salarin.

TAGS: Capt. Edwin Duco, Carlito Advincula Aban, Inquirer News, Radyo Inquirer news, siocon, Siocon massacre, Zamboanga del Norte massacre, Zamboanga del Norte., Zamboanga Peninsula Regional Office, Capt. Edwin Duco, Carlito Advincula Aban, Inquirer News, Radyo Inquirer news, siocon, Siocon massacre, Zamboanga del Norte massacre, Zamboanga del Norte., Zamboanga Peninsula Regional Office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.