Manifesto of Support para sa pagpasa ng Bayanihan 2, nilagdaan ng mga lider ng Kamara

By Erwin Aguilon August 06, 2020 - 07:42 PM

Isang manifesto of support ang nilagdaan ng mga lider ng Kamara para sa agarang pagpasa sa Bayanihan 2.

Pinangunahan ni Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez ang pagpirma sa manifesto.

Nakasaad dito ang pagtugon ng Kamara sa paglaban ng pagkalat ng Coronavirus Disease at sa pagpapabilis ng pagbangon ng bansa sa pandemya.

Inilabas ang manifesto matapos maipasa sa Mababang Kapulungan sa ikalawang pagbasa ang P162 bilyon na Bayanihan To Recover as One Act.

Ito ay kaugnay na rin sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State Of The Nation Address (SONA) na tulungan ang pamahalaan sa recovery efforts nito lalo na sa pagbibigay ayuda sa mga maliliit na negosyo upang maibsan ang epekto ng pandemic sa buhay ng mga Filipino.

TAGS: 18th congress, Alan Peter Cayetano, Bayanihan 2, Inquirer News, Manifesto of Support Bayanihan 2, Radyo Inquirer news, Rep. Martin Romualdez, 18th congress, Alan Peter Cayetano, Bayanihan 2, Inquirer News, Manifesto of Support Bayanihan 2, Radyo Inquirer news, Rep. Martin Romualdez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.