BREAKING: Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, mahigit 119,000 na

Nadagdagan muli nang mahigit 3,000 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Huwebes ng hapon (August 6), umabot na sa 119,460 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 50,473 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 3,561 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nakuha ang mga datos mula sa 89 out of 98 licensed laboratories.

Nasa 28 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 2,150 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 569 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 66,837 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...