Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (August 6), pumalo na sa 1,964,536 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 595,501 pa ang aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 46,121 ang mga gumaling.
Dahil dito, 1,328,336 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.
Umakyat naman sa 40,699 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES